How To Know Your Life Purpose?



First things first. Bakit ka nabubuhay? Iyan dapat ang una natin inaalam bago magplano sa career na ating tinatahak. To give you simple tips, I use SHAPE Principle of Rick Warren.

1) SPIRITUAL GIFTS - May binigay sa atin na special gifts. Ito yung regalo na makikita lamang natin kung malalim ang pagkakilala natin kay Lord at kapag babad tayo sa presensya Niya. Being spiritual is not a boring lifestyle, it's a big deal to know our real purpose while living on earth. We are fighting not against flesh and blood but against principalities in spiritual realm. We have to be spiritual and find our identity in Christ.

2) HEART - Ano ang mga gusto natin gawin? Ito ang mga madalas na tinitibok ng puso natin. Anuman ang mangyari, magbago man ang set-up ng ating buhay, ganoon pa rin ang gusto ng ating puso. Ano ang mga bagay na gustong gusto mo makamit?

3) ABILITIES - Ito yung mga kahit nakapikit tayo, alam natin gawin. Kahit ata natutulog tayo, sisiw lang kapag ginawa na natin. 

4) PERSONALITIES - It involves the way we execute our task and deal with people. Shy type ba tayo o happy-go-lucky? Go lang nang go o pinag-iisipan muna? Madaldal ba tayo o tahimik lang? Sa YOUnique ng aking Mentor Kuya Jayson Lo diniscuss po niya ang apat na uri ng personality (in Philippine context).

5) EXPERIENCE - Ang ating mga karanasan ay pwede rin 'hint' sa ating future. Negative man o positive. Lalo na siguro yung mga masasakit na nangyari sa atin, malaking testimony iyan kapag nabuo na ang istorya mo.

Pagsama-samahin mo lang 'yan, marahil malalaman mo na kung bakit ka nabubuhay. It's a journey, it's a process. Sa ingay ng mundo, nahihirapan na tayo makinig sa ating sarili at sa boses ni God. Minsan kailangan din natin tumahimik at alamin kung bakit tayo nabubuhay, para kanino at para saan. Maikli lang ang buhay. Kailangan focused tayo nang hindi masayang ang panahon at oras.

Sana nakatulong po ito. :) - Marlon Molmisa

Marlon Molmisa

KuyaMarlon.Com is an online source for leadership, inspiration, youth and real-life experiences of Marlon Molmisa. Marlon is an inspirational leadership speaker in the Philippines. He is also a writer and social entrepreneur. Use #MarlonMolmisa for your online shares. You may also share what's on your mind to secretariat@kuyamarlon.com.

No comments:

Post a Comment