KuyaMarlon's 7 Questions with Kesz
Kuya Marlon: Ano ang pinaka-magandang ugali ni Kesz na gusto mong ibahagi sa kapwa-kabataan?
Kuya Kesz: Siguro po 'yung paghanap ng positibo sa mga pangyayaring mahirap tanggapin sa buhay po.
Kuya Marlon: Sino si Kesz 10 years from now?
Kuya Kesz: 23 na po ako nuon. Baka po med proper na po ako at may advocacy pa rin. Malapit na maging duktor.
Kuya Marlon: Ano ang pinaka "striking event" sa buhay mo?
Kuya Kesz: 'Yung nasunog po ang braso at likod ko dahil sa pammamasura na siyang nagdala sa akin sa pangangalaga ni Tatz KB (KuyaBon-KuyaEfren) po.
Kuya Marlon: Paano ka nagsimula sa iyong advocacy na tulungan ang kapwa kabataan mo?
Kuya Kesz: Noong 7th bday ko po, nagwish po ako non.
Kuya Marlon: Ano ang pinaka-gintong aral na natutunan mo kay Kuya Efren at kay Kuya Bon?
Kuya Kesz: Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ikaw mismo ay pag-asa.
Kuya Marlon: Ano ang ginagawa ni Kesz sa buhay tuwing ordinaryong araw?
Kuya Kesz: Naglalaptop po, games, reading, kulitan at dance practice.
Kuya Marlon: Sa iyong sariling pananaw, ano ang sikreto ng pagiging kampyeon sa Peace Prize for Children Award?
Kuya Kesz: Wala naman pong sikreto. Siguro 'yung maglingkod po na hindi nakatuon sa premyo kundi sa pagtulong sa mga bata lang po.
I pray that God would rise and create more Kesz's in this generation. =)