7 QUESTIONS WITH VINCI GLODOVE
IT WAS 2013 when I met Vinci. He seemed to be a man full of potentials, talents, and dreams. (Pwede na rin siyang Matinee Idol). I've seen how passionate he is when it comes to communication. We've been working for 2 years now! Nakakatuwa lang ang mga journey namin. He joined me in my business. We became classmates at Ateneo Entrep Class. He became my colleague at Lead Like Jesus - Ignite. We used to ride-in-tandem with his Nissan Pick-Up Vehicle named 'Goldy'. Lalo na noong first time namin mag-tandem sa isang seminar ng Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) - National Capital Region. He's very articulate and a man of wisdom. Please watch the video below.
Vinci Glodove is branded as the “Inspirational Humorist” as he combines laughter and learning whenever he speaks. He is recognized as one of the Elevaxion Speakers. He is also a Ukulele Ambassador, licensed financial consultant, and the former Chief Operating Officer of Mentors Zone. He co-founded two businesses namely Sandata Arts and Studio and VIFER Farm and Trading. He took up Veterinary Medicine at Central Luzon State University and an alumnus of Ateneo School of Government’s Leadership and Social Entrepreneurship Program. He became an accredited Mentor/Facilitator of the Best Selling Book Series “Lovestruck” and of Servant Leadership (Lead Like Jesus) courtesy of Breakthrough Leadership.
You may follow his facebook account: https://www.facebook.com/vinciglodove
Ngayon, siya ang sasagot sa aking 7 GOLDEN QUESTIONS. Let's start!
1) Ano ang pinakamasayang araw sa buhay mo?
Noong malaman ko na ang buhay ay may purpose at naintindihan na kahit hindi ko man makuha lahat ng mga pinapangarap ko sa mundo, mayroong langit na naghihintay para sa akin. Ito rin ay naghihintay sa mga nagsubmit ng buhay kay Jesus Christ.
2) Anong meron ang mga komedyante na wala ang mga seryosong nilalang sa earth?
Confidence. By the way, I’m a Humorist. =) Elaboration part: Sadyang magaling ang ating Creator. Ginawa Niya ang lahat ng tao na magkakaiba at may kanya-kanyang personality that would complete the big picture of our society. Kung ano man ang mayroon sa mga komedyante, ito ay 'yung lakas ng loob at unselfishness. They live for other people pero most of them are very emotional.
3) Paano mo napaghahalo ang inspirasyon at pagpapatawa?
Innate na siguro sa akin ang magpatawa at magpasaya ng tao. Actually mahirap siya. Hindi kasi alam ng audience kung kailan magiging seryoso at magiging nakakatuwa ang aking session. Kaya madalas IYAK TAWA DAW SILA. Tungkol naman sa kung paano ko naman ginagawa, may mga naka-setup na ako na siyensa para diyan. The best way to connect to people eh 'yung maintindihan nila na CONCERNED ka sa kanila. Then, kahit ano na ang gawin mo maa-appreciate na nila. Hindi lahat ng jokes at banat ko ay nakakatawa at hindi rin lahat ng mga lessons ko ay inspirational. Pero majority ng mga sessions ko ay HEARTFELT kasi lahat 'yun ay galing sa PUSO ko.
4) Paano mo hina-handle ang rejection?
Madalas ako makatanggap ng rejection sa napakaraming dahilan. Pero ganito ko sila hinahandle:
Una, tinanggap ko na ang buhay ay hindi fair at kailan man hindi siya magiging fair.
Pangalawa, hindi lahat ng tao gusto ang ginagawa mo. Kahit pa para iyon sa ikabubuti ng nakararami.
Pangatlo, Maraming tao ang nanre-reject sa atin kasi hindi talaga nila naiintindihan ang ginagawa natin. Para kang nagpapaliwanag sa mga tao na nakakita ka ng white lady sa katanghaliang tapat.
Pang-apat, One of the best ways to fail in life is to please other people. Sabi iyon ng isang American Comedian.
Panglima, ang buhay ay parang pelikula. Habang mas maraming kontrabida mas maganda ang storya.
5) Kung may isang gintong aral na gustong ibahagi ni Vinci Glodove sa milyon milyong kabataan sa Pilipinas, ano ‘yun?
“Laughter can be the best medicine, but it can never mend a broken heart and broken promises'. Only God can do that.” Maraming kabataan na naghahanap ng solusyon sa lahat ng emptiness sa puso nila. They turn to gadgets, fame, fortune and many things. Pero wala talaga doon eh. Kung 'di na kay Lord lang.
6) Saan ka humuhugot lakas ng loob at maraming baon ng pagpapatawa sa panahong down na down ka?
Sabi ko nga kanina, kaya kami nakakapagpasaya ng maraming tao ay dahil mas maraming beses kami nasubok at nahampas ng buhay. Kumukuha ako ng lakas ng loob sa mga past experiences ko at inaalay ko naman ang mga iyon sa pamilya ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. (Kumukuha din pala ako ng mga jokes sa buhay, sa mga tao, at sa Google)
7) Paano ma-inlove ang isang Vinci Glodove?
Weakness ko ang mainlove. Sabi nga ni Miggy Montenegro, “I am the worst boyfriend to love.” Ganoon din siguro ako. Yes, I would say na I’m sweet and all. Pero ang dami ko pang flaws when it comes to love, commitment, and time, but I’m trying to change it na. Nux! Pero kapag ako nainlove gusto ko maging inspirasyon SA kanya at sabay kaming maggo-grow in all aspects of life.
Weakness ko ang mainlove. Sabi nga ni Miggy Montenegro, “I am the worst boyfriend to love.” Ganoon din siguro ako. Yes, I would say na I’m sweet and all. Pero ang dami ko pang flaws when it comes to love, commitment, and time, but I’m trying to change it na. Nux! Pero kapag ako nainlove gusto ko maging inspirasyon SA kanya at sabay kaming maggo-grow in all aspects of life.