LET'S TALK ABOUT 'HUMILITY'
ITO ANG TOPIC LAST SUNDAY sa church. Humility. Ito rin ang 'feeling ko' pinakamahirap i-discuss. Siguro kung may magi-invite sa akin sa isang talk tapos ito ang topic, edi wow! Tatawanan ko lang. Tila isang malaking alamat ang paniwalaang humble ako. O baka 'di ko lang kaya panindigan. Kasi alam ko madalas sumisipa ang kayabangan sa katawan ko.
In short, bilang speaker, gawin mo nalang kaysa sa ituro mo.
Naniniwala kasi ako na lahat tayo (as in lahat) ay may yabang at mayabang. Parang utot - magkakaiba lang ng kulay. May mayabang na tahimik. May mayabang na maingay. May sakto lang. May pa-humble effect. May mahiyain pero mayabang. Kahit siguro 'yung pinaka-simpleng nilalang na kakilala mo, naranasan rin mag-yabang in some point of their life. Aminin natin. Lahat tayo may ganun. Lahat tayo, nag-aasam ng affirmation at acceptance.
Nagkakataon lang na ang iba eh marunong mag-blend sa sitwasyon. May kaibigan ako na mayabang. Pero komedyante. Kaya hindi nakakairita. Mas natutuwa pa nga kami kapag binibida niya ang kapogian niya eh. Joke time ang uber confidence. Sa iba, offending. Sa iba, hindi.
Mayroon naman na kapag nag-yabang, nakaka-bad vibes. Parating bumabangka. Kahit hindi mo tanungin, ibibida niya ang mga awards, sikat na taong kakilala niya, at kung anu-ano pa. Ang malupet pa doon, gagawa talaga siya ng paraan para isingit 'yun sa kwentuhan. Epic fail. Kulang nalang sabihin sa'yo: Sambahin mo ako.
Mayabang din maituturing 'yung mga tahimik. Pabebe effect. Nagpapakipot para i-cheer mo, purihin mo, at sabihan ng mga magagandang bagay tungkol sa kanya para ma-motivate gawin ang isang bagay. Hindi man nila aminin, gusto nilang humugot ng yabang mula sa ibang tao. Remember, 'Kayabangan' comes in when we are overconfident and underconfident. Kaya dapat sapat lang. Para at least, hindi mabaho sa pang-amoy ng ibang tao.
Mahirap talaga magpaka-humble noh?
Teka, kaya ko pala niasulat 'to dahil ito ang Araw ng Kamatayan ni Sec. Jesse Robredo. 18 August 2012 nang namatay ang isang matibay na haligi ng bansa dahil sa plane crash. Dati, hindi kapansin-pansin si Sec. Robredo. Nakatira sa isang apartment. Simpleng buhay. Nagco-commute. Naka-tsinelas. Hindi mo aakalaing Mayor. Walang rockstar look. May nakakakilala ba sa kanya noon? Wala. Siguro 'yung mga taga-Naga lang at mga Grade six pupils na nagkakabisado ng Kawani ng gobyerno para sa kanilang Hekasi Class. Pero kahit hindi sikat at wala sa limelight, maraming nagawa sa bayan ng Naga (Bicol) ang dating Mayor na si Jesse Robredo. Tahimik na nagpapa-unlad ng siyudad. Saludo ang buong bansa sa kanya. Walang halong pulitika.
Ngayon, pinagsama-sama ko ang mga qualities ng mga humble na kakilala ko. Sila 'yung kahit may yabang sa katawan pero kaya nila i-handle. Siyempre, may kaunting bias 'tong ishe-share ko. Medyo subjective kasi ang salitang mayabang, depende kung paano mo tinatanggap ang personality ng isang tao. Well, sa akin, ito ang TOP 5 na acceptable sa karamihan.
1) Humble people never boast their past achievements. Kasi kapag na-achieve na nila ang isang success goal, they celebrate for a season. 'Pagkatapos nu'n, kinakalimutan na nila. Gumagawa ulit sila ng bago.
2) Humble people never declare: I am humble or humble lang ako. Kapag sinasabi mo 'yun, you are proud that you are a humble person. So it contradicts. Better you keep silent since your actions are louder than your voice.
3) Humble people stay simple. Hindi nila gaano pinagtutuunan ng pansin ang public personal branding. Hindi sila uhaw sa public exposure. They're not elegant. Kadalasan, nasa likod lang sila pero kapag napagbibigyan humarap sa karamihan, rak en roll to the world ang impact!
4) Humble people serve. They are not bossy. Kahit anong trabaho, kaya nilang patusin. For them, there's no such thing as menial job. There's only a menial attitude.
5) Humble people give credit God. Forget everything what I've said. Ito talaga ang supreme indicator ng humility. The only measurement is when he's giving the 100% credit of his works to the Lord. Wala nang karugtong na: Dahil sa akin.... ako lang ang ganyan.. ako ang kauna-unahan.... pero glory to God. Whaat? Give to Him everything. Wala dapat matitira.
GET THE LATEST BLOG! SEND YOUR EMAIL ADDRESS:
GET THE LATEST BLOG! SEND YOUR EMAIL ADDRESS: