Five Great Habits That Will Impact Your Future - Leadership Speaker Philippines

Tuesday, August 11, 2015

Five Great Habits That Will Impact Your Future

GRADE THREE. Wala pa akong kamuwang-muwang sa tunay na diwa ng noun at verb. Hindi ko na rin naabutan si Shayder Pulis Pangkalawakan para sagipin ako sa kamangmangan. Akala ko noon, magkaparehas ang meaning ng 'bisyo' at 'vision'. Isang araw, may mga bumisitang taga-DepEd. Na-corner ako habang naglalakad sa kahabaan ng koridor. Tinawag ako. Pinalapit sa kanilang harapan, at tinanong na parang pang-beauty pageant.... "What is your school's vision?"

"Ma'am, our students are very good! No drugs, no beer, no vision." Super confident pa ako sa pagsagot. Olrayt!

Kaya pala sila tumawa. Kaya pala medyo sarcastic ang mga mukha nila. Habang ako, nahihiya at seryosong kinakabahan. Natanong ko sa sarili, "Tama ba ang sagot ko?'

Nang nakilala ko si Webster (Dictionary), nalaman kong ang vision pala ay isang bagay na nabubuo sa isip kung saan pinapakita ang hinaharap. Sa English, it is a picture in mind that foretells the future or a dream.

Aha! Kaya pala.

But why we need to have a sense of foresight? Why we need to have a vision? Sabi nga ni Winston Churchhill, "The empires of the future are empires of the mind." Konektado ang ginagawa natin ngayon sa mga laman ng ating isipan. Kung saan ka madalas naka-focus, doon napapadpad ang mga paa mo. Ang mga kinaa-adikan natin ay may kinalaman sa paulit-ulit na paniniwala't opinyon na pinatatambay natin sa ating utak- positive man o negative.

I found out that there are two kinds of Futuristic People. The Bisyonary and the Visionary. Parehas silang adik sa mga adhikain sa buhay. They both see the future. They plan to prepare for what's ahead. Ang pinagkaiba lang, ang isa ay kapos (lacking) at ang isa ay puspos (filled).

Let me give you the 5 habits of the two.

1) Bisyonaries collect more networks. Visionaries value few real friends.

Paniniwala ng mga Bisyonary: "Mas maraming kilala, mas maraming puwedeng gamitin." In short, gamitan lang. Sila 'yung mga taong friends ka kapag may kailangan sa'yo pero naglalaho kapag hindi ka na nakakatulong sa kanila. Sila rin 'yung hindi ka pinapansin noong hampas-lupa pa lang ang peg mo - walang influence, walang pera, walang marangyang pangalan. Pero nung nakita ka sa TV, aba! Kulang na lang maging President siya ng fans club mo.

Ang Visionary naman ay 'yung nagva-value ng mga tunay na kaibigan. Kahit marami na silang nakikilala saan mang dako ng mundo, they stay within their inner circle. Alam nila kung sino ang ititira sa facebook kapag puno na ang kanilang friends' list. They're not after the networks. They are after good long-term business/project partners. Kasi alam nila, ang mga tunay na tao at kaibigan (kahit konti lang) ang magandang kasosyo sa kanilang proyekto. Hindi kasi nang-iiwan sa ere.

2) Bisyonaries eat a lot and move less. Visionaries eat wisely and move nicely.

Para sa mga Bisyonary, uso na ang mga bundat ang tyan. Hot ang mga dad bod. Masarap kaya kumain. They enjoy the pleasure of eating. Kaya 'yun, maraming diabetic. Maraming may sakit sa puso. Maaga nadededo.

Visionaries, on the other hand, know what to eat and when to move. When they exercise, they know that they're sharpening their sword for future battles. Isipin mo, habang tumatanda ang tao, doon mas dumadami ang problema. Kapag mahina ang katawan mo, sigurado bagsak lahat - kasama ang emosyon. If you want to win the game, aspire to be fit.

3) Bisyonaries go to a lot of parties. Visionaries advance to empower people.

Maraming bisyonary sa henerasyon ng millennials. They want to enjoy the fruits of their labor. They see their purpose in enjoying life to its fullest. Eh totoo nga naman. Pero kung imbalance na ang page-enjoy- to the point that you are being killed by your happiness (finances, physical health, spiritual, etc), that's a bad habit. Self-contentedness.

On the contrary, a visionary finds pleasure in selflessness and service to other people. They see that investing in others has a long-term effect. Karamihan ng pera nila ay nakalaan sa panlilibre ng kape, Mc Float, pamasahe, at kung anu-ano pa - hindi para sa kanilang sarili kundi para sa ibang tao. They hang out with people who are not senseless. For a visionary, helping people reach their highest potentials is a noble mission.

4) Bisyonaries are fame-driven. Visionaries are purpose-driven.

Sa mundo kung saan Youtube, Facebook, at Twitter ang almusal ng mga tao, wala nang kahirap-hirap ang maging artista. Mag-video ka lang ng pinaka-kwela mong mukha. Tapos i-upload sa social media at i-share, aba! Puwede ka na maging artista. Kaya nga ang mga Bisyonary, nag-aasam ng kasikatan. They think that if they are famous, they would attract wealth. Aangat daw ang buhay nila kung sila ay sisikat.

Walang pakielam ang mga Visionary diyan. They go against the flow. They create new trends that will direct them to their life purpose. They know very well why they exist and they focus on it. Nasagot na nila ang pinakamahalagang tanong sa mundong ibabaw: 'Bakit ako nabubuhay?' Iyon ang pinapangarap nilang marating. Hindi ang makipagsiksikan sa audition ng isang reality show.

5) Bisyonaries attract people. Visionaries please God. 

Bisyonaries don't care about their spirituality. Sometimes, they don't even believe in God. Some of them are undercover God-believers. Ibigsabihin, kapag nasa harap ng tao, dapat bawal banggitin ang salitang Lord, Jesus, or God. Kailangan neutral lang. Sa ilang pagkakataon, naiintindihan ko sila. Malay ko ba ibang faith pala ang kaharap niya. Pero kung 'too much' na sa lahat ng pagkakataon, at kung ang goal ng pagtatago ay makahikayat lang ng tao, Ahmmmm...I'll leave it to the Lord.

Ang alam ko lang, hindi ganoon ang visionary. He is proud with his core beliefs. Yes, he/she respects other people but never compromises just to please others. A visionary aims to build a stronger spiritual foundation. He knows very well that pleasing God is the highest form of success. Araw-araw niyang tanong sa sarili: 'What should I do to make the God of the universe be proud of me?'

NOW, let me ask you. Who are you? Are you a Bisyonary or Visionary? Hope you aspire to be a Visionary. :) - Marlon Molmisa

Invite Marlon!
+63 968 887 0961
Unit 304 LN Business Center, A. Bonifacio Ave., Cainta, Rizal Philippines

SEND US A MESSAGE