'Beri Wrong' Words When Meeting Wounded People - Leadership Speaker Philippines

Saturday, January 24, 2015

'Beri Wrong' Words When Meeting Wounded People

Kapag tungkol sa pagbagsak-at-pagbangon, sakit-at-kabiguan, maraming nakaka-relate. Bawat minuto, may nagmo-move on sa buong mundo. Halos araw-araw, may mga nagsusulputang personal messages sa facebook inbox ko. Lahat sila, humaharap sa matinding giyera ng buhay. 

Mayroon tungkol sa lovelife, sa pag-aaral, sa pamilya, pera, pangarap, at iba pang pwede tambayan ng kabiguan. Pero mas marami pa rin yung lovelife. Ewan ko ba. 

Karamihan sa kanila, hindi ko talaga kilala. Yung iba ka-close ko na pero doon ko lang nalalaman ang mas malalim na istorya ng kanilang buhay.

Nakakataba ng puso dahil nilalapitan nila ako. Ngunit nakakadurog din ng damdamin tuwing nalalaman ko ang mga iyak ng kanilang damdamin. May napapagod na. May pilit pa rin lumalaban. May talagang gasgas na ang emosyon dahil sa dami ng hagupit na kanilang dinaanan. 

Minsan napapatanong ako: Hindi ba nabibingi si Lord sa mga prayers nila? May kasama kasing hikbi at sipon-singhot ang bawat iyak. Wala nang pakielam sa itsura, basta malungkot sila. Period.


Napapaisip din ako kung ano ba ang mga pwedeng sabihin sa kanila. Yung tipong hindi man mawala ang kanilang problema, atleast mababawasan ang kanilang pagda-drama. Natutunan ko na may mga beri wrong words pala ako/tayo nasasabi tuwing may kinakausap na mga taong lugmok sa kalungkutan. Ito ang ilan sa kanila:

Beri Wrong # 1: Ok lang yan. Kaya siya humahagulgol dahil hindi po siya OK. Hindi rin OK ang pinagdadaanan niya. Kaya nga siya lumapit sa'yo e- kasi hindi po talaga siya OK.

Beri Wrong # 2: Naiintindihan kita. Kahit ikaw pa si Madam Auring, hinding hindi mo siya maiintindihan. Magkaibang tao kayo na may magkaibang karanasan, environment, kahinaan, at kalakasan. 

Beri Wrong #3: Kung ako sa'yo.... Oopss. Huwag na ituloy. Sa puntong ito, gusto niya muna ng kausap at makikinig sa kanya. Kung may gusto tayong ma-realize niya, tulungan lang natin siya. Hanggang siya rin ang makaisip ng solusyon sa kanyang mga problema. Isa pa, hindi natin hawak ang kanilang desisyon. Hanggang payo lang tayo, at sila pa rin ang may final say.

Beri Wrong #4 Huwag kang mag-alala, andito lang ako. Narinig na niya 'yan sa ex-boyfriend/girlfriend niya. Please huwag mo na ulitin. Sakit e.

Beri Wrong # 5: Kaya mo 'yan. The moment na lumapit siya sa'yo, ibigsabihin hindi niya kaya (mag-isa). Kailangan niya ng tulong mo at ng ibang tao. Although huwag naman natin silang sanayin na umasa sa'yo sa lahat ng pagkakataon. Rephrase these words to: Kaya Mo Yan, sa tulong ni Lord.

Tingin ko ito ang pinaka-importante sa lahat kapag may nakakausap tayong may problema- ibalik natin sila kay Lord. We may offer band-aid solutions but the Lord can give real long-lasting healing.

Basta tandaan, sa tuwing nadadapa, bangon lang. Take each failure as a chance to get closer to your ultimate success.  Have Jesus in your heart and be courageous. When you have Him, kayang-kayang-kayang-kayang-kaya mo yan. :) - Marlon Molmisa

Like Kuya Marlon's Page:


Invite Marlon!
+63 968 887 0961
Unit 304 LN Business Center, A. Bonifacio Ave., Cainta, Rizal Philippines

SEND US A MESSAGE