Contentment
Ang 'contentment' ay nangangahulugan na ang 'happiness' ay hindi nakabase sa mga sitwasyon o kung ano ang mayroon ka sa buhay.
Karamihan ng tao na-stuck sa pananaw na "kapag ganyan o ganito, magiging masaya na ako". Iyong tipong "Kapag mayroon na akong bagong iPhone 6 plus, magiging masaya na ako." o "Kapag nakakuha na ako ng magandang trabaho at yumaman na ako, magiging masaya na ako."
Ang totoo, kapag ganito ang pananaw ng tao, makarating man sa puntong iyon, mayroon at mayroon pa ring siyang gugustuhin na iba. Gugustuhin pa rin nito na mag-upgrade o mag-increase. At kung titignan pa niya kung ano ang mayroon sa iba na wala sa kanya, lalo lamang ito lilikha ng 'discontentment' sa kanya.
Paano maging kuntento? Simple lang. Itigil na ang pagkumpara sa sarili sa iba. Maging masaya kung ano ang mayroon ka. Malay mo pinagpala ka na ng sobra. Hindi mo lang nakikita dahil nakatingin ka sa iba. :) - Marlon Molmisa