Family: My 'No Matter What'
SUNDAY. Habang sinusulat ko 'to, nasa loob ako ng Hospital. Room 419. Binabantayan si tatay. Ilang araw na ang nakalipas nang inatake siya ng hingal. At sumabay pa ang sakit sa puso. Walang awa. Nag-joint force pa. Akala ko sakit pogi lang ang pag-iinarte niya. Totoo pala. Mabuti na lang naihatid agad siya sa Emergency Room.
Tatay with my book @ Hospital |
Timing pa dahil may talk at meeting ako noong araw na 'yun. Nagtatalo sa isip ko: Sayang ang professional fee. Ay hindi, mas importante ang buhay ng tatay ko. Kaso baka kaya na nila nanay 'yun. No! I-cancel ko nalang ang talk. Samahan ko si tatay. (Nagwagi si Nathaniel)
Wala nang ibang paraan. Kailangan kong unahin ang tatay kong nag-alaga sa akin ng dalawampu't limang taon. Nagpadala na lang ako ng text message sa 800+ na estudyanteng umattend sa seminar. Binasa sa stage. The text message went like this:
Sa mga iskolar ng bayan! Mga tunay kayong pabebe. Walang makapipigil sa inyo. Walang makakapigil para abutin ang mga minimithi sa buhay. Kahit unlimited lugaw lang araw-araw, mapunan lang ang laman ng sikmura, hindi kayo nagpapatinag. Buong buo ang loob sa pagpasok sa eskwela, sakay ng pakaragkarag na PNR. Tunay kayong mandirigma.
Gusto ko sana kayong makasama ngayong araw kaso kailangan kong unahin ang tatay kong sinugod sa hospital ngayon lang umaga. Higit na mas mahalaga ang pamilya kesa sa rangya ng stage at professional fee. Teka, meron ba? Hindi ako aware. Hehe Joke lang.
Isko at Iska, magpakatatag kayo sa bawat hamon ng buhay. Never ever allow other people and situations around you define your future. Kitakits sa mga susunod na event. Mahal ko po kayong lahat.
Can you imagine? While I was writing the message, I was looking at my tatay fighting for his life. Madaling sabihin ang 'magpakatatag ka' kung nasa chillax mode ka ng buhay mo. That moment tested our faith. I was trying to be positive, trying to crack jokes knowing that tatay will be fine. God never disappointed us. That audacious faith has flourished.
In short, ok na si tatay ngayon. Nakiki-selfie na nga oh.
Masaya ako sa buhay na dinudugtong ni God sa amin. Ang masaklap lang, walang benta pati ang libro ko. Waaah! Pero ok lang 'yun. I know God honored my priorities. He has prepared blessings to those who are consistent with their God-given faith. Kung alam mo ang mga bagay na hindi mo dapat ipagpalit, mas magiging purpose-driven ang buhay.
Si Kuya Jayson Lo ang nagturo sa akin mag-set ng mga 'No Matter Whats'. Ito 'yung mga non-negotiables natin. Kahit balik-baliktarin pa ang planet Jupiter at paikut-ikotin ang Pluto sa paligid ng Earth, hindi ka magpapatinag. Kasi alam mo ang priority mo sa buhay.
For me, I have 5 Major 'No Matter Whats'. (Ilan lang ito. Marami pang iba.)
1) I will keep my faith in Jesus NO MATTER WHAT
2) I will prioritize family more than wealth NO MATTER WHAT.
3) I will always contribute for the next generation NO MATTER WHAT.
4) I will never dispose a friend NO MATTER WHAT.
5) I will be faithful to my future and only wife NO MATTER WHAT.
In the book Built to Last of Collins and Porras, research says that most businesses and corporations that last for more than 100 years have the same in common. They hold on to their core values. They change their approach but never their core. Ganoon din sa buhay natin. We will sustain our peak if we keep our core beliefs ignited. Hold on to it. Keep it no matter what.
Ikaw, anong NO MATTER WHATS mo? :) - Marlon Molmisa