What To Prepare For The Manila International Book Fair 2015? - Leadership Speaker Philippines

Tuesday, September 1, 2015

What To Prepare For The Manila International Book Fair 2015?

BOOK WORM. Ganyan ang tawag sa mga mahihilig magbasa. So anong tawag sa mga hindi mahihilig magbasa? Worm lang? Malay ko.

Salamat sa mga teacher natin noong elementary. Dahil sa mga hampas ng pamatpat sa table, napilitan tayong bigkasin ng tama ang ABAKADA. Salamat sa kanilang pagta-tyaga. Hindi sila sumuko kahit na 'sing bagal ng mga sasakyan sa EDSA ang ating pagbasa. Noong panahong parang may pasyon tuwing sabay-sabay tayong nagbabasa ng mga elementary classmates. Naalala mo pa ba 'yun? 

Dinadaan natin sa buka ng bibig at mala-alien na tunog para lang makasabay sa group reading. 

Salamat din kay Bob Ong. Dahil sa kanya, na-encourage magbasa ang mga Millenials na tulad kong tinutulugan ang Ibong Adarna. Mabuti na lang hindi kami naiputan ng ibon. (Kung hindi mo ma-get, basahin mo ang Ibong Adarna tapos, gawan ng book report.)

Ang totoo niyan, hidden dream ko talaga ang maging reporter at writer. Kaso simula nang nakita ko ang mga (field) reporter na madalas ina-ambush, nasabi ko, 'Lord, mag-ba-blogger na lang po ako'. Ika nga ni Ryan Rems, malaki ang pinagkaiba ng reporter at blogger. Kapag may gunman daw na sumalubong sa'yo, sasabihin mo, 'Oopps. Blogger lang me.'

Sa blog ako natutong magsulat ng malaya. 'Yung walang inaasahang tema at tugma. 'Yung pagsusulat na walang kinalaman sa grade ko sa Filipino subject. Sa sobrang laya, dinumog ng mga readers ang mali-mali kong grammar at spelling na nagdulot ng matinding self-pity. Napatunayan kong ang kalayaan ay may kasamang mabigat na pagtanggap sa consequences nito - mabuti man o masama. Dahil d'on, lalo akong natulak magbasa, magbasa, magbasa, at magsulat. 

Wala talagang tatalo sa pagbabasa (at siyempre, sa Alaska).

Kahit saang hukuman pa tayo pumunta, magwawagi ang ideya na kailangan natin magbasa kung gusto nating makapunta at manatili sa rurok ng tagumpay. Reading books gives us wisdom and perspectives. Lumalawak lalo ang tingin natin sa mundo tuwing tayo'y nagbabasa. Nalalaman natin ang success secrets and failing points ng iba na puwede natin maging gabay sa buhay. Reading books also helps us to have a life structure. Naa-apply natin sa buhay kung paano ino-organize ng writer ang kanyang kaisipan. Also, reading imposes discipline. Parang 'yung prof mo na nagbigay ng 100-page reading material tapos kinabukasan may surprise quiz! Huwaw!

Dahil alam kong hobby mo ang magbasa (kasi binabasa mo ang mahabang blog na 'to), this coming September 16 to 20, magtatampisaw ka ulit sa kababasa. Dahil magkakaroon ng Manila International Book Fair 2015 sa SMX Convention Center, Mall of Asia. 
The Manila International Book Fair is the biggest and longest running book fair in the country. First and foremost, the MIBF aims to spread the love for reading among the Filipino public, and judging from the generations of visitors that keep coming back to the book fair each year, it has been successful in doing so.

The MIBF also provides a venue for the exchange of ideas amongst players in the publishing and academic book industry, gathering not just publishers, distributors, booksellers, authors, illustrators, and the academe, but also the end users: students, professionals, and book lovers.

At MIBF, the visitors were given an access to the largest and most varied collection of printed material, educational aids and multimedia, all under one roof. While the academe and professionals had the advantage of comparing prices, negotiating for bulk purchases, and even arranging for delivery without leaving the halls of the book fair. On the other hand the readers and book lovers had a wide variety of choices to suit their reading tastes. (Source: http://www.manilabookfair.com/)

So ano ang dapat natin i-prepare bago mag-Manila International Book Fair (MIBF)?

1) Prepare Your Ninja Moves. Sa sobrang dami ng tao, parang magkakapalit-palit kayo ng mukha. 'Yung pabango mong imitation, mauubos sa isang pinagsama-samang langhap ng mga kasama mo. Hindi maiiwasan ang banggaan ng braso. As in Manila talaga ang set-up - kaliwa't kanang traffic. Lalo na kapag may celebrity. Kaya kung gusto mo makausad, be flexible. Learn to crawl like a worm. Mag-practice ka ng Ninja Moves.

2) Prepare Your Money. I tell you, sa sobrang dami ng mura't magagandang libro, matutukso ka talagang bumili. Kaysa mangutang ka sa kasama mo, mag-ipon ka na ngayon pa lang. Magandang investment ang libro. Daig ng mahilig magbasa ang batang sa baon lang umaasa. Kung gusto mo ng mga murang libro, pumunta kayo sa booth ng distributor namin. Lahat, Php100 lang! Woohoo!


3) Prepare Your Ticket. Maayos nga ang porma mo. Japorms. Kaso hindi ka makapasok dahil walang ticket, edi nganga. May bayad kasi ang entrance dun. Php20 ata? Hindi ko sure. Pero may good news ako sa'yo. Bibigyan kita ng libreng ticket! I-email mo lang ang staff namin dito kung gusto mo makalibre: secretariat@kuyamarlon.com. :D

4) Prepare Your Bags of Patience. Kung mainipin kang tao, bagay nga sa'yo ang MIBF. Mahuhubog ang iyong 'paghihintay' (sa pila) at 'pagbibigay' (sa mga mahilig sumingit). Bago ka sumabak sa Book Fair, mag-practice ka na. Sumakay ka sa MRT tuwing rush hour. Mag-drive sa C5. Mamili sa Divisoria. Mag-ipon ng pitong libong patience. Pero kung talagang sincere kang book worm, magpa-pabebe ka. Walang makakapigil sa'yo.

5) Prepare Your Game Plan. Maaari namang bawasan ang posibilidad na maging The Hulk ka. Bago ka pumunta sa Mall of Asia, isulat mo na ang lahat ng gusto mong bilhin. Pwede kang mag-search or magtanong-tanong kung anong libro ang worth basahin. Isa pa, kung ano ang kailangan mo sa buhay. Pero sana huwag mong kalimutan 'yung libro ko ah. Hihi! Nasa Booth Nos. 1 to 5 (CSM Booth). Para sa mga nabigo at nasaktan, para sa'yo ang libro ko: 'Ang Mahalaga, Bumangon Ka'. Sa September 19, nandoon ako for book signing. 2:30pm. Book Launch will be on September 17 (5pm) at SMX Convention Center Stage. Lagay mo na sa schedule mo ah. Selfie tayo. :D


If you want to download the Foreword and Introduction of my book, just simply join our Closed Facebook Community Group: Mga Mandirigma or email secretariat@kuyamarlon.com. :)


Invite Marlon!
+63 968 887 0961
Unit 304 LN Business Center, A. Bonifacio Ave., Cainta, Rizal Philippines

SEND US A MESSAGE