Kumusta Ang Valentines Day Mo? - Leadership Speaker Philippines

Friday, February 13, 2015

Kumusta Ang Valentines Day Mo?

I. DON'T. CARE.

Ganyan ang natatanggap kong sagot sa mga kaibigang single. Dedma. Wapakels. May kasama pang irap ng mata. Bitter ba tawag dun? O sadyang hindi lang sila interesado? Hmmm..

Did you know? According to the Greeting Card Association, an estimated 1 billion Valentine’s Day cards are sent each year making Valentine's Day the second most popular card-sending holiday after Christmas.  

So kung wala kang ka-date sa February 14, never mind the data. Let's move on.

Saan ba nagmula ang Valentine's Day?

May iba't ibang alamat kung saan nagmula ang selebrasyon na ito. Maraming kwentong barbero at kutserong nagsalin-salin sa kasaysayan. Maraming hugot na hindi pa rin mapatunayan kung saan nga ba talaga nagmula ang Velentine's Day.

UNANG ALAMAT: May naniniwala na si Valentine raw ay isang pari noong panahon ni Emperor Claudius II ng Roma. Noong 3rd Century, nagpatupad ang emperor ng isang batas - maging #foreversingle ang mga kalalakihan at i-recruit sa hukbong sandatahan (sundalo). Noon kasi, gyera ang pangunahing paraan para maging influential ang bansa. Kailangan, focus ang mga lalaki sa pakikidigma.

Ibigsabihin, wa jowa. wa pamilya. In short, bachelor.

'Unfair, dude!' Ayan siguro ang sinabi ni Saint Valentine. Tao rin sila at may karapatang umibig. Dahil dito, sinuway niya ang utos ni Claudius at tinuloy ang pagkakasal sa mga binatang gusto mag-next level sa buhay. Nagkasal siya nang patago. Doon nauso ang tinatawag na - 'secret on'- yung 'kayo' pero dapat sikretong malupet lang. Kundi, pugot allowance.

Nang nalaman ni Emperor Claudius ang pagsuway na ito, pinapatay siya. Pinatay ang isang alagad ng pag-ibig.

IKALAWANG ALAMAT: May mga kumalat din na si Valentine raw ay isang prisoner, na na-inlab sa anak ng kanyang kakosa sa kulungan. Sabi ng mga chikadorang historyador, si Valentine raw ang kauna-unahang nagbigay ng valentine card sa isang dalaga. (E diba, siya nga si Valentine? Siyempre, siya nga talaga. Labo no?)

Anyway, ang pinakamalupet na parte ng istorya ay nang pinatay si Valentine. Tumulong kasi siya sa pagtakas ng mga Kristyano sa loob ng kulungan. At bago siya nadedbols, may binigay siyang liham sa kanyang iniirog. May nakalagay na: From Your Valentine.

Hearts on the air. Slow.Clap.Clap.Clap.

IKATLONG ALAMAT: Nakatulong ang dalawang istorya para paniwalaang may St. Valentine na nabuhay sa kasaysayan. Dahil dito, tinalaga ni Pope Gelasius noong 5th Century ang February 14 bilang Valentine's Day. Ito ay para alalahanin ang pagkamatay ni St. Valentine.

Pero kamot pa rin sa ulo kung sino ba itong si Mr. V. Ah! Basta, mapagmahal siya. Period.

Ayon pa sa tsismis, tinapat ang selebrasyon ni Valentine sa isang Pagan Festival na tinatawag na 'Lupercalia'. Isa itong 'Fertility Festival' ng mga Romano noong unang panahon. Sa madaling salita: ito'y para sa mga gustong magka-anak. Alay ang piyestang ito kay Faunus (Roman god of Agriculture) at kay Romulus and Remus (Roman founders).

Since 'love and romance' ang tema, mas nakilala ang February 14 sa ganitong uri ng selebrasyon. Puro puso. Puro pula. Puro roses at chocolates. Puro lambingan everywhere.

Teka, balik tayo sa tanong ko. Kumusta nga ang Valentine's Day mo?

O siya. Sige, huwag na lang natin tanungin.

Ang akin lang, sana hindi rin ito maging alamat tulad ng mga pambobola ng manliligaw mo. Sana hindi mo maisipan magpabaril sa Luneta pagkatapos ng araw na iyon para sumunod sa yapak ng Romantikong Balentino.

Sana maging mapagmahal ka pa rin kahit lumipas na ang February 14 sa kalendaryo. Pangarap ko matagpuan mo ang tunay na magmamahal sa'yo. Yung hindi nang-iiwan kapag nalamang malakas ka pala kumain. Yung iibig nang lubos at wagas sa hirap at ginhawa.

Kung wala ka pang ka-date sa 14, may ire-reto ako sa'yo. Sa totoo lang, matagal na Siyang nagpaparamdam sa'yo. Ilang beses na rin Siya naga-aya ng 'date' kasama ka. Sa piling Niya, tiyak hindi na magiging alamat ang lovelife mo. Kapag nakilala mo Siya, i tell you....totoo ang #forever. :) - Marlon Molmisa


Invite Marlon!
+63 968 887 0961
Unit 304 LN Business Center, A. Bonifacio Ave., Cainta, Rizal Philippines

SEND US A MESSAGE