What We Can Do After The Papal Visit? - Leadership Speaker Philippines

Monday, January 19, 2015

What We Can Do After The Papal Visit?

Uuwi na si Pope Francis. Nakaka-miss ang mga ngiti niya. Babalik na siya sa Vatican, kung saan doon talaga siya nakatira. Hindi naman natin pwedeng harangin ang eroplano para hindi siya makauwi, 'diba? Ayaw man natin o sa ayaw, kailangan rin niya lisanin ang Pilipinas at balikan ang kanyang 'thinking chair' sa Roma. Marami pa siyang trabaho d'on.

Hindi po ako Katoliko, pero lubos ang respeto't paghanga ko kay Pope Francis. Halata naman na hindi lang ako ang non-catholic na humahanga sa kanya. Marami po kami. (Patience lang po sa mga bumabatikos. Diyan din masusubok ang inyong pagmamahal sa kanila.) Basta ako, saludo kay Lolo Kiko sa kanyang sinseridad, pagmamahal kay Kristo at sa mga mahihirap.

Nakakahanga ang humility niya. Nakakahiya sa mga kilala kong celebrity Christians- hirap i-reach! Dapat VIP - hatid-sundo kapag iniinvite sa church. Anyway, minsan ganoon din ako - mayabang. Kaya nahihiya rin po ako. (Lord, I repent.)

Nakakagaan ng feeling kapag nakikita namin si Pope sa TV, yakap-yakap ang mga bata at may sakit. Hindi kaya siya mahawa nun? Kung sabagay, secured naman siya kay Lord.

Basta, ang astig tignan ni Pope Francis na humahalik sa paa ng tao. Hindi kaya niya naisip kung may alipunga yun? Haaay. Kakaiba talaga itong si Pope. Rockstar. Ramdam mo, tagos hanggang kaluluwa, ang pagmamahal niya sa tao.

Kalimutan muna natin ang ating pagkakaiba-iba sa pananampalataya. Ang mahalaga e nagmamahalan tayo. Ganoon naman talaga ang sabi ni St. Paul e. 
Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin. - 1 Taga-Corinto 13:1-3
 In short, magmahalan po tayo.

Isa 'yan sa mga iniwan na halimbawa ni Pope Francis. Sa kanyang pag-alis sa Pilipinas, may naisip akong limang practical na pwedeng gawin bilang continuation ng mga mensahe ni Pope.

1) Magbasa ng Bible. Sinabi na ni Pope Francis - si Jesus ang focus natin, hindi siya. Ang tanong, kapag wala na si Pope sa Pinas, kamusta na ang ating Spiritual Life? Isa ba tayo sa mga Split-Level Christians na sinasabi ni Sir Jaime Bulatao ng Ateneo? Sila ang mga Kristyanong 'religious' lang sa labas pero hindi naman nababago ang puso. Mas maigi mag-focus tayo sa ating spiritual walk. Kasama sa spiritual journey ang pag-alam sa mga promises ni Lord araw-araw- yung palalim nang palalim. Nakikilala natin si Jesus sa pamamagitan ng best-selling book of all time/ love letter Niya. Pray for wisdom - para maintindihan mo. Sinulat ang bible para sa mga normal na tao. Maiintindihan mo 'yan kung tama ang puso't motibo.

2) Mag-Donate sa Charity. Ika nga ng teacher ko: You cannot teach to an empty stomach. Hindi sapat ang pagiging spiritual. Kailangan maramdaman ng tao ang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay- lalo na sa mas madali nilang mararamdaman. Ito ang physical na katawan. Kahit si Jesus, nagpakain ng mga nagugutom, nagpainom ng mga nauuhaw, nagpagaling ng mga may sakit. E ikaw? May magagawa ka! Itong moment na binabasa mo ang blog ko ay nagpapatunay na may kapasidad ka mag-donate. Mapalad ka dahil may pambayad kayo sa internet kumpara sa ilang bilyong tao sa mundo na hindi alam ang salitang 'facebook'. Pwede ka tumulong. Simulan mo nang mag-bigay sa mga nangangailangan. 

3) Mag-inspire ng Tao Araw-Araw. Yung simpleng ngiti, pwede na yun. O kaya, magbigay ng encouraging words sa ibang tao, ayos yun! Make other people happy. Ika nga ni Plato: Be kind, for others are fighting a harder battle. Napapagaan mo ang pakiramdam ng iba kapag nabibigyan mo sila ng pag-asa. Hope makes us bolder! Lalo na kung ang hope ay nanggagaling kay Jesus. Si Jesus na pinatunayang mas makapangyarihan Siya kesa sa kamatayan. Certified Rockstar ng mga Rockstars! Katulad ng sinabi ni Pope Francis sa mga taga-Tacloban: I have no more words to tell you, let us look to Christ, He is the Lord. He understands us because He underwent all the trials that we, that you, have experienced. 

4) Makinig at Makipag-Usap. Most of conflicts are results of: (1) miscommunication (2) discommunication. Ang isa, nag-uusap nga pero hindi naman nagkakaintindihan. Kasi may kanya-kanyang prinsipyo sa buhay. Ayaw magpatalo ng dalawang panig. Close-minded. Ayun, nababawasan tuloy ang respeto sa isa't isa. Ang ikalawa, hindi talaga nag-uusap at all. Kaya ang resulta, sa iba nagshe-share. Sa iba nalalaman ang kwentong dapat harapan pinag-uusapan. Ang tawag diyan: Tsismis. Tingin ko, kaya niya in-invite ni Pope Francis ang church leaders sa iba't ibang relihiyon e dahil gusto niya ipakita sa lahat na 'pag-uusap' lang ang paraan para peaceful tayong lahat. Kailangan mag-usap. Communication fuels our relationships.

5) Maging Simple. Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, "Never will I leave you; never will I forsake you. (Hebrews 13:5) Kung naniniwala ka na hindi tayo pababayaan ni Lord, simple lang ang susi: Be contented. Ang mga simple, madalas rock! Sa simpleng buhay, kahit umaapaw ang blessings, natutunan natin kalimutan ang sarili at mag-share sa iba. 

To summarize: Ang tunay na buhay Kristyano ay hindi lamang puro spiritual, kombinasyon ito ng pagmamahal sa kapwa at pagtulong sa naghihirap. Love God. Love People. 

Invite Marlon!
+63 968 887 0961
Unit 304 LN Business Center, A. Bonifacio Ave., Cainta, Rizal Philippines

SEND US A MESSAGE