Diskarte
Sa buhay, kailangan parating may baon na diskarte. Mas maigi talaga maranasan natin ang hirap bago guminhawa para kapag bumalik tayo sa mahirap na sitwasyon, alam natin kung paano makipagsapalaran. Minsan (ay madalas pala) kahit naka-long sleeves ako, sumasabit ako ng jeep. Kaya ko naman mag-taxi. Pero practical-an lang. Kapag magtaxi ako, male-late na sa sobrang traffic sa ka-maynilaan, mapapamahal pa ako- na dapat ipinantulong mo nalang yun sa charity works. Kahit makita ako ng mga clients na binabayaran ako ng Phpxx,xxx per talk ko, ayos lang. Kesa naman aasa nalang sa komporableng lifestyle. Hindi tayo natuturuan maging handa sa lahat ng bagay. Tandaan: DISKARTE- yan ang magpapakain sa atin. Yan ang training ng isang General. :) - Marlon Molmisa