Balik sa Pinagmulan
Kaya mo, Marlon! :) |
Nagsimula ako mag-blog noong 4th year High School. May isang sikat na blogger na nag-aya sa akin magsulat. Noong una, humahanga ako sa husay niya magbuo ng mga kwento. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot yun. Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nagtatayp sa unang blogger account.
Siyempre, trying hard. Pangarap ko lang maging writer pero hindi talaga ako malupet. Unti-unti nasasanay na rin ako i-organize ang mga nasa isip ko. Kung gaano kagulo ang table ko sa bahay, madalas ganoon ang laman ng utak ko. Sala-salabat. Kulang nalang e dapuan ng mga gagambang bahay.
Dahil sa blog, natututo ako maging expressive. Mas natuto ako maging opinionated kahit minsan wa kwenta, kahit 10,000 miles away from galaxy. Ang importante, nag-iimprove.
At unti-unti nakilala nila ako sa pagsulat. Akalain mo yun nagka-award ako nung college dahil sa pagsulat ng mga tula at sanaysay. Nagtataka pa rin ako kung writer ba talaga ako. Tingin ko oo at hindi. Oo dahil napapansin nila ang skills ko. Hindi dahil mas mahilig talaga ako magsalita kesa magsulat. :P
Dahil sa matinding reflection at life evaluation, naisipan ko bumalik kung saan ako nagsimula. Dito ang unang mundo ko- sa blog. Sa mundong kahit walang nagbabasa ng mga sulat ko, masaya akong nakikipag-usap sa hangin. Atleast nakikinig at ikinakalat niya papunta sa langit.
O siya, samahan nawa ako ni Lord sa aking tatahakin. Babalik tayo sa pinagmulan.