KuyaMarlon's 7 Questions with Bro. Eddie Villanueva
[WHO IS BRO. EDDIE VILLANUEVA?]
Eduardo "Eddie" C. Villanueva (born October 6, 1946), most commonly referred to as Bro. Eddie Villanueva, is a religious/spiritual and political leader in the Philippines, a presidential candidate in the 2004 and 2010 Philippine election, and a senatorial candidate in the 2013 midterm Philippine election, all as the standard bearer of the Bangon Pilipinas Party. Prior to joining the politics, he is best known as the founder and leader of the Jesus Is Lord Church, yet he officially declared his leave of absence as its Spiritual Director during the launching of Bagong Pilipinas Movement on March 28, 2009 “so that may concentrate on the transformation of our beloved nation.”
He is the chairman of ZOE Broadcasting Network, a commercial TV station currently operated by GMA Network through Quality TeleVision (QTV) now GMA News TV. He is also the president of Jesus Is Lord Colleges Foundation Inc. (JILCF), a Christian school in Bocaue, Bulacan. (Infromation from wikipedia)
Website: http://broeddie.ph
Twitter: @Bro_Eddie
1) KuyaMarlon: Sino si Bro. Eddie noong siya ay kabataan pa lamang?
Bro. Eddie: Kabataan pa lang, makabayan na si Bro. Eddie.
Ang tatay ko ang palagi kong nakakausap, si Joaquin Villanueva. Bilang atleta, dala-dala ng Tatang ang dangal ng watawat ng Pilipinas sa Far Eastern Games at sa Olympics. Lagi kaming nag-uusap tungkol sa galing ng lahing Pilipino. Mahilig din akong makinig ng radyo. Lagi akong nakikinig sa balita at sinusubaybayan ang mga kaganapan sa Senado kung saan naroroon ang aking mga idolo, gaya nina Jose Diokno, Ferdinand Marcos at Benigno “Ninoy” Aquino. Nang naging estudyante na ako sa Philippine College of Commerce o PCC (Polytechnic University of the Philippines o PUP ngayon), isinasama ako ng aking propesor at mentor na si Doc Nemesio Prudente sa mga aktwal na Senate hearings.
Naging working student si Bro. Eddie. Nakapasa ako sa University of the Philippines pero hindi ko natapos ang aking unang semester doon. Iyon ang panahon na naging biktima ng land-grabbing ang aking mga magulang at naghirap ang aming pamilya. Walang maibigay na pamasahe sa akin ang aking ina na sasapat sa byahe mula Bocaue patungong Caloocan at mula Caloocan patungong UP Diliman. Lumipat ako sa mas malapit na eskwelahan, sa University of the East (UE). Habang nag-aaral doon, nagtrabaho ako bilang Sales Assistant sa Alemar’s Bookstore sa Avenida, Rizal. Kapag walang bumibili, sumisimple na ako sa isang sulok at nagbabasa ng textbooks na kailangan kong pag-aralan. Sa hiya ko sa boss ko na nahuli ako ng dalawang beses na nagbabasa ng pambentang textbooks, nag-resign din ako. Sa kakulangan ng perang pampaaral, lumipat ako sa mas murang eskwelahan. Kaya ako napapunta sa PCC. Bagamat murang-mura na ang tuition, kinailangan ko pa ring mamasukan bilang family driver. Sabay man ang pag-aaral at trabaho, naging consistent academic scholar ako at kinilala bilang Best Debater of the Year noong nasa 3rd Year ako. Bilang student leader, kasama ako sa makasaysayang First Quarter Storm.
Nakikipagrambulan din si Bro. Eddie noong kabataan pa lamang. Kapag may mga babaeng binabastos, taga-PCC man o galing sa ibang eskwelahan, kasama ako ng buong barkada ko na nakikipagsuntukan para ipagtanggol sila.
2) KuyaMarlon: Kung mayroon po kayong pinagsisisihan na ginawa noong kabataan niyo, ano iyon?
Bro. Eddie: Modesty aside, wala namang pinagsisisihan si Bro. Eddie na nagawa noong kabataan pa lamang. Nag-aral naman akong mabuti. Nagtrabaho para suportahan ang pag-aaral. Tumulong din ako sa pamilya. Nakikipagrambulan man ako kasama ng mga barkada, bahagi pa rin iyon ng mga pagkakatuto ko bilang isang kabataan. (Pero hindi ko ina-advice sa mga kabataan ngayon na makipagbugbugan. Daanin ninyo ang lahat sa maayos at mahinahong usapan.)
3) KuyaMarlon: Sa kabila ng dalawang beses na pagkatalo sa Pagkapangulo, bakit pa rin kayo tumatakbo?
Bro. Eddie: Tumatakbo ako ngayon bilang Senador dahil hindi napipigilan ng mga pagkatalo sa eleksyon ang masidhing pagnanais kong makapaglingkod sa bayan. Alam kong hinog ako sa karanasan at pinag-aralan upang mabigyan ng pagkakataong bumalangkas ng mga batas na magpapabuti sa buhay ng ating mga kababayan, lalo na ng mga mahihirap... yung mga “sagigilid” o mga limot na bayani ng ating lipunan.
Lagi ko ring naiisip, kung sumuko noon ang ating mga bayani – gaya ng Bulakenyong si Marcelo del Pilar at ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal – paano natin makakamit ang kalayaan ng ating minamahal na bansa?
Ganun din naman sa Amerika. Kung sumuko agad ang gaya ni Martin Luther King, Jr. sa pakikipaglaban sa pantay na karapatan, baka walang black President ngayon sa kanila na gaya ni Barack Obama.
4) KuyaMarlon: Ano po ba ang ugat na kwento kung bakit “sagigilid” o mga marginalized sector ang number one na plataporma ninyo?
Bro. Eddie: Number one sa akin ang mga “sagigilid” dahil sila ang ipinaglalaban ko mula pa noon hanggang ngayon. Dati, nag-oorganisa ako ng mga strike sa mga pabrika sa Bulacan. Tinutulungan ko ang mga manggagawa na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Sila pa rin ngayon ang mga klase ng tao na gusto kong tulungan at bigyan ng boses sa Senado... contractrual workers, OFWs, mga drayber, mga magsasaka at mangingisda. Sila yung kayod-kabayo kada araw pero walang malakas na tinig para ipaglaban ang kanilang kapakanan at karapatan kaya nananatiling isang kahig-isang tuka.
Ilan lamang ito sa mga plano kong ihaing panukalang-batas para sa mga sagigilid:
- Anti-contractualization
- Pagtatayo ng People’s Bank na magpapautang sa mga sagigilid na ang interes ay ayon sa lamang sa kung ano ang makatarungan para sa kanila.
- Anti-usury
5) KuyaMarlon: Anu-ano ang mga plano ninyo sa mga kabataang Pilipino? Lalo na sa mga kabataang hikahos sa buhay, walang pampaaral dahil sa kahirapan at mga batang kalye na umaangkas ng jeep upang mamigay ng sobre at mamalimos?
Bro. Eddie: Nakaka-relate ako sa mga kabataang hikahos sa buhay. Yan ang pinagdaanan ko. Kaya pangarap ko para sa kanila – doon sa mga kabilang sa below poverty line – ang free education from pre-school to college. Alam ko naman na mahirap ito. Pero we have to start somewhere. Kaya I will lay down the legislative foundation to make this happen, to make this possible in our lifetime.
Bobombahan natin ng pondo ang State Colleges and Universities (SUCs). Sila ang magiging susi sa katuparan ng ating mga kabataan na magkaroon ng tamang educational foundation. Isa ito sa plataporma ko: EDUKASYON NA NAPAPANAHON.
Para naman sa mga anak ng OFWs na nagnanais na kumuha ng technical o skills training kesa sa pumasok sa kolehiyo, maghahain ako ng panukalang-batas na bigyan sila ng prayoridad na makapasok sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Mahirap mag-aral na wala ang mga magulang nila dito sa Pilipinas. Kung magdedesisyon sila na mas maiibsan ang hirap na ito sa technical and skills training, dapat prayoridad sila sa TESDA.
Para naman sa mga batang namamalimos, yung ugat mismo ng problema ang unang dapat solusyunan. Humantong sila sa ganoong sitwasyon dahil sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya. Kaya nga nais ko sanang siguraduhin na bukod sa EDUKASYON NA NAPAPANAHON, maipapasok din natin sa Senado ang mga panukalang-batas na naka-sentro dito:
EKONOMIYANG AGRESIBO’T WALANG NAPAG-IIWANAN
ENTREPINOY NA MASANG PILIPINO ANG NANGUNGUNA AT NAKIKINABANG
6) KuyaMarlon: Alam natin na hindi pa rin po nawawala ang mga kritiko niyo. Lalo na sa kapwa Kristyano/Born Again churches. Ano po ang maaari ninyong sabihin sa kanila upang sila ay maniwala at magtiwala sa inyong ipinaglalaban?
Bro. Eddie: I believe na mature ang ating mga kasama sa born again churches across the country. By heart, alam natin na kung mahal natin ang Diyos, mamahalin din natin ang ating bayan kung saan Niya tayo inilagay.
7) KuyaMarlon: Ano ang pinakagintong aral na inyong natutunan sa buhay na nais ninyong ibahagi sa mga kabataan at susunod na herasyon?
Bro. Eddie: Minsan lang tayong mabuhay sa mundo, gawin na natin kung ano ang tama – kahit pa mahirap ito. Pag ito ang isinabuhay natin, ang unang matutuwa sa atin ay ang ating Panginoon and, when we finally meet with Jesus, He will tell us, “Well done, good and faithful servant.”