Healing Process



May isang young pro na lumapit sa akin. Umiiyak. Sinabi niya sa akin, "Kuya, aalis na lang ako ng bansa para maka-move on. Gusto ko lumayo. Ang sakit sakit kasi."

Tanong ko sa kanya, "Mawawala ba ang sakit kapag lumayo ka?"

Kasi ang totoo, saan ka man magpunta, dala-dala mo iyan. Hindi ka makakatakas sa sugat kasi nandiyan 'yan sa puso mo. Nakaukit na sa kaluluwa mo. Madalas, nakakalala pa. Kasi wala ka doon ka-close. Malayo ka sa mga mahal mo sa buhay. Walang magpo-proseso ng nararamdaman mo. 

Kung gusto mo talaga mag-move on, harapin mo. Huwag mong takasan. Sagupain mo nang may kasamang panalangin ang lungkot na nararamdaman. Sa susunod, hindi ka na matutumba. Kasi matatag ka na. Kasi natuto ka na. :) #MarlonMolmisa

KuyaMarlon.Com

KuyaMarlon.Com is an online source for leadership, inspiration, youth and real-life experiences of Marlon Molmisa. Marlon is an inspirational leadership speaker in the Philippines. He is also a writer and social entrepreneur. Use #MarlonMolmisa for your online shares. You may also share what's on your mind to secretariat@kuyamarlon.com.

No comments:

Post a Comment