Uncommon Common Sense. Same Sex Marriage.



As a zealous follower of Christ, 'common sense' na ang stand ko tungkol sa same sex marriage. Hindi na kailangan ipagdikdikan sa social media. Hindi na kailangan ipamukha sa LGTB community na 'magka-iba tayo ng paniniwala'. 

Don't get me wrong. It's my personal preference. If you want to speak up, then go ahead. But as for me, I will not speak unless someone asked. Parang si Pacman. Nagsalita lang siya - kasi may nagtanong.

Kanina, may nagtanong sa akin. So, I am now breaking my silence.

I love the LGBT people. That's why I have to say NO to same sex marriage. Not only because it is rooted to my spiritual beliefs but I am also deeply concern for the next generation. 

Alam naman natin na hindi nagkaka-anak ang partners na may kaparehong kasarian. Nakakahinayang kung ganun. If we have more same sex married couples, the lesser the tendency we can produce great people in the coming decades. Every baby has a wonderful future, with inate potentials that could contribute to the growth of our nation.

THE LEGAL FAMILY

I'm not an expert on this but I will try to put a logical reason with my conviction.

Originally, marriage was created for social order and stability. Our constitution recognizes the family as the foundation of our nation. Tingin ko, hindi naman drop out students ang mga naglapat ng ating batas para hindi maintindihan ang salitang 'pundasyon ng ating bansa'. Grade school pa lang tayo, pinapaliwanag na ng mga teacher natin na ang pamilya ang pinakamaliit na 'unit' ng lipunan. Kung magulo ang pamilya, apektado ang ating ekonomiya at maaring magiba sistema ng buong bansa. You may check the Family Code of the Philippines.

In short, sa legal terms, 'kasal' ang nagpapatunay na kayo ay lehitimong pamilya. Kasal ang nagtatakda na legal ang inyong pagsasama. Kasi may kinalaman ito sa mga benipisyong gobyerno na binibigay sa mga legal na mamamayan. 

Kung lalawak ang ideya at saklaw ng kasal, lalawak din ang sakop ng gastos ng ating gobyerno. Madadagdagan ang mga proyekto (para sa mga sinusulong ng LGBT). In effect, mababasawan ang alokasyon ng budget sa ibang ahensya. Mas mangangailangan ng mataas na pondo mula sa mamamayan. Marahil madadagdagan pa ang tax.

Apektado ang bawat miyembro ng lipunan, maging ang mga maliliit na negosyo.

Lalo na kung i-require sa bawat establishments magkaroon ng kanya-kanyang CR ang LGBT bukod sa Male at Female. Dagdag kuryente, dagdag tubig, dagdag maintenance. Apektado ang pagtaas ng presyo sa serbisyo at produkto. That's how I see it.

WALANG BAWAL SA MUNDO

For some, the word 'family' could have more definitions based on the situation and culture. Halimbawa, ang ating mga kaibigan ay maituturing nating pamilya. Ang ating mga kaklase, pwede rin maging pamilya. Pamilya rin ang turing natin sa mga nag-aruga sa atin kahit hindi natin tunay na magulang.

Sa sitwasyon ng LGBT couples, you might ask me, 'Ayun naman pala e. Bakit hindi pwedeng hayaan nalang natin silang sumaya? Tutal, pamilya na silang maituturing dahil nagmamahalan naman sila. Let's legalize same sex marriage.'

If I would vote YES for Same Sex Marriage, it's like telling to the LGBT community and this nation, 'Bahala kayo sa buhay niyo! Wala akong pakielam!'

Naalala mo pa ba noong bata pa tayo? Mayro'n tayong gustong makamit o magkaroon, pero hindi binibigay ng mga magulang natin kasi alam nilang mapapahamak tayo. Acceptance is not equal to love. Sometimes, you have to disagree with a person because you love him/her.

Wala naman bawal sa mundo. We can do whatever we want. We take the full responsibility for every action we make. We will reap what we sow for ourselves. 

We might think, 'Buhay ko naman 'to. Wala silang pake.' No. Nakakaligtaan natin na may epekto sa ibang tao ang mga ginagawa natin ngayon. Think long term, not just for today. Live for other people, not just for our own.

I LOVE THE LGBT COMMUNITY

As of writing this post, I am thinking, 'mababawasan ba ang influence ko dahil dito?'

Madaling sabihin, 'Stand up for truth! Mabuti nang magalit sila, huwag lang si Lord.' Well, tama naman. Pero mahirap magsalita lalo na kung marami kang inaalagaang kaibigan, clients, followers, fans, at supporters na LGBT. You might loose them once they get offended.

It is not because we are compromising nor we want to please them. It is because we deeply feel them - their deepest hurts, their inner struggles. Kasi araw-araw mo silang nakakausap. We feel the grace of the Lord for their lives.

Minsan, kailangan din ng mga Kristyano malaman ang 'truth'.

The truth is, there is no such thing as 'special sin'. Homosexuality is the same with watching porn during your most private time. Homosexual act is equal to pre-marital sex. It is also the same with rebellion and telling lies to others. Lahat ng kasalanan mo noon (at marahil hanggang ngayon) ay kapantay lang 'yan ng homosexual acts. Karumaldumal ba?

Remember the days before God rescued us. When we knelt down to the Lord, we felt that He's so compassionate, full of love. He accepted us for who we are. Because of that radical love, we were changed. 'Yung hindi sapilitan. Natural na pagbabago.

That's the second truth. If we want to win a person, let's build a relationship. You cannot teach the mind if you do not touch the heart. We just have to love them as they are. Share the love of Jesus. Make them feel that the Lord knows them, from the day they were born up to the days they got hurt. God shows grace and compassion to them. Let it be shown through your life. 

Rebuke them in private. (Unless, you were asked in public) Pero bago mo sabihin ang belief system mo, make sure that you have the authority and/or you have built a strong friendship with that person. This is the real essence of #LoveWins.

This is the uncommon common sense that everyone has to revisit: Love others as you love yourself. #MarlonMolmisa

KuyaMarlon.Com

KuyaMarlon.Com is an online source for leadership, inspiration, youth and real-life experiences of Marlon Molmisa. Marlon is an inspirational leadership speaker in the Philippines. He is also a writer and social entrepreneur. Use #MarlonMolmisa for your online shares. You may also share what's on your mind to secretariat@kuyamarlon.com.

No comments:

Post a Comment