Give From The Heart



Christmas is about Christ. Christ who gave His life for everyone. He demonstrated the real essence of love. If you are loving, you are giving. Ngayong Pasko, maraming magbibigayan. Ang iba, nakikiuso lang at ang iba galing sa puso. 'Yung kapag nagbibigay may kaunting 'ouch'. Well that's Christmas. If you feel hurt, you are truly giving- you are genuinely loving because you give beyond your comfortable capacity. Pero hindi naman ibigsabihin magiging bulasak na tayo sa pera. Pwede tayo magbigay ng may wisdom na hindi gaano gumagastos. Isapuso lamang ang mga Christmas Principles:

1) IWASAN MAGPA-IMPRESS. Madalas nagaganap ito sa mga kabataang in-love to the highest level. Highest level din ang panregalo sa gf/bf. Wala naman masama dun. Kaso nauubos ang budget sa iisang tao at wala ng natitira para sa iba, lalo na sa kaibigan at pamilya. (Ouch naman yon) O kaya ang madalas na mindset- dapat mamahalin ang regalo kasi baka isipin nila kuripot tayo. Tandaan: kung wala, wala.

2) IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS. Huwag pilitin kung walang maibiling materyal na bagay. Ang goal lang naman ng pagbibigayan ay para maramdaman ng bawat isa na importante at espesyal sila. Madalas hindi kayang bilhin ng pera iyon.

3) PWEDENG MAGBIGAY HIGIT SA PERA AT MATERYAL NA BAGAY. Never ever forget that love is a gift. Sige nga, saan ba nakakabili ng love? Magkano ba yun? Mga mapagmahal lang ang kayang bumili nun. Ikaw, mapagmahal ka ba?

Magbigay ng galing sa puso. 2 days to go! Happy Christmas na! Give love. Share love. - Marlon Molmisa

Marlon Molmisa

KuyaMarlon.Com is an online source for leadership, inspiration, youth and real-life experiences of Marlon Molmisa. Marlon is an inspirational leadership speaker in the Philippines. He is also a writer and social entrepreneur. Use #MarlonMolmisa for your online shares. You may also share what's on your mind to secretariat@kuyamarlon.com.

No comments:

Post a Comment